B-ayan ay masigla
Bayan ay Masaya
Bayan ay giginhawa
Kung tayong lahat ay nagkakaisa.
A-no at sino ang gagawa?
Iyan ang tanong ng madla
At saan tayo magsisimula?
Na gumawa ng tama.
Y-aring mga puso sana ay madama
Turuan magmahal at umunawa
Sa mga pangangailangan ng iba
Sapagkat tayo ay tao may puso’t diwa.
A-anhin ang kayamanan na sobrang-sobra
Magbigay naman sa mga kaawa-awa
Upang pagpalain ni Bathala
At ibabalik ang maraming biyaya.
N-a ito ay ginagawa hindi lamang sa salita
Magtulong-tulong tayo sa ating mga kapwa
Lalong-lalo na ang may sakit at maralita
Gawin na ngayon sapagkat bukas ay huli na.
I-kaw,ako,tayong lahat ay sama-sama
Upang ating mapaganda
Buhay ay maging masagana
Kung ang lahat ay magtutulungan na.
H-alika mga kapatid at makialam ka
Para sa ikakabuti ng ating kultura
Sandatahang Lakas ng Pilipinas at iba pang mga ahensya
Magtulong-tulong upang ang buhay ay mapayapa na.
A-ng buhay natin dito sa lupa
Ay hiram bigay ni Bathala
Kaya bigyan natin halaga
Magtulungan tayo sa mga gawain at magkaisa
N-ais ko lamang ipaala-ala
At palagi ilagay sa ating diwa
Na ang bayanihan ay hindi ka nag-iisa
Ito ay pagtutulungan, parang kapuso o kapamilya na nagkakaisa.
Ni: SSg Rosario E Martorillas (WAC) PA
8TH Civil Relations Group, CRSAFP
Isa ka sa bagong inatasan ng Sadatahang Lakas ng Pilipinas
Na inaktibo na mahigit ng tatlong taon ang nakalipas
Upang maibsan ang mga dalamhati
Sa mga lugar, na ang mga tao hirap ang dinanas.
Sa walang humpay ninyong suporta at lakas
Pilit tinataguyod at walang pinapa-alpas
Ang pagtulong sa kapwa at ang palad palaging bukas
Sa pangangailangan, lalong-lalo na sa mga sawing-palad.
Sa mga “Medical Mission at mga proyekto na inyong pinapatupad
Na nagsisilbing inspirasyon at lunas,
Sa mga taong nakinabang at sila ay nagpapasalamat
Sa mga biyayang kanilang natanggap.
Mabuhay ka NADESCOM
Sa bukod-tangi mong misyon.
Na matulungan sa pagdarahop
Ang ating mga kababayang na lugmok.
Ni: SSg Rosario E Martorillas (WAC) PA
8th Civil Relations Group, CRSAFP
Unti-unti ng maaaninag
Ang sikat ng araw
Na nagbigay liwanag
Ang IPSP para sa bayan.
Dati-rati tayo ay naging bulag
Bingi, pipi at uhaw
Sa ating mga kapwa na sumisigaw
Ng katarungan at katotohanan ang lilitaw
Ngayon tayo ay magagalak
Na tuluyang pinapatupad
Ng ating pamahalaan ang IPSP ng AFP.
Na siyang nararapat.
Tayong lahat ay dapat magdiwang
Dahil malapit na natin makamtan
Ang totoong kapayapaan
Na dulot ng programang IPSP o Bayanihan.
Ni: SSg Rosario E Martorillas (WAC) PA
8th Civil Relations Group, CRSAFP
Ilang dekada na ang nakaraan
Ang ating naranasan
Mga gulo na hatid ng ating mga kapatiran
Kagaya ng Abu Sayaff, CPP-NPA na nagtatago sa kabundukan
Kaya ako ngayon nananawagan
Sa buong sambayanang Pilipino, nitong kapuluan
Na itigil na ang mga hidwaan
Upang ang pagdanak ng dugo ay ating maiwasan.
Ano ang mga dahilan?
Kung bakit hindi tayo magkaunuwaan?
Hindi ba natin kayang magtulungan?
At higit sa lahat magbigay pag-ibig sa ating mga kapatiran
Na kapos o kulang ang nalalaman
Tungkol sa gusto ng ating pamahalaan
Upang ang kapayapaan ay ating makamtan
Ang isinisigaw ng puso’t kaisipan
Ang gusto ko’y kapayapaan.
Ni: Annie E. Cruzada
Civil Relations Service isang yunit ng AFP
Na mas kilala bilang CRSAFP.
Itinatag noong kasagsagan ng pagrerebelde
Nang mga taong-labas dekada 1950.
Mula kay Crisol at iba pang mga komander
Buong husay nagampanan ang mga tungkulin.
Minabuti ni dating DND Chief, Ramon Magsaysay
Na maglunsad ng yunit na nakatuon lamang
Kung paano masungkit ang puso at isipan ng mamamayan
Sa pakikibaka, sa kapayapaan at sa kaunlaran ng bayan.
OCR ay isinilang noong ikaisa ng Marso 1951.
Mula sa OCR naging CRS, PASAFP at CRS muli.
Iba't-ibang pangalan at iba't-ibang tungkulin
Subalit nakatuon pa rin sa pagbibigay serbisyo sa bayan
Tulay, tanglaw at gabay sa pagitan ng sundalo at sambayanan
O, CRSAFP, ikaw ang natatanging armas ng Sandatahan.
Ni: Ssg Rosario E. Martorillas (WAC) PA
8th CRG, CRSAFP
Isa ikaw sa mga biyaya
Na bigay ni Bathala
Na ikaw ang nagbulong sa aming mga pinuno
Na itatag ang ganitong programa.
KBP, kung daglatin sa igsing salita
Ikaw ay laking tulong, at buhay ay guminhawa
Lalong-lalo na ang ginawang kalsada
Ng ating mga inhenyerong masipag at matiyaga.
Hindi na maglalakad upang magsamba
Hindi na magbubuhat ng mga paninda
Dahil kahit liblib ay may sasakyan na pumupunta
Dulot ay labis na kasiyahan ang nadarama.
Ni: SSg Rosario E Martorillas (WAC) PA
8th CRG,CRSAFP
Pagbalik tanaw sa nakaraan
Hirap ang mga tao sa kanayunan
Walang malinis na tubig at walang ilaw ang kanilang naranasan
Lalong-lalo na hirap sila sa paglakad patungong bayan.
Nang inilunsad ng ating pamahalaan
Ang programang nagbigay kaginhawaan
Kung tawagin “Kalayaan Barangays Program”
Na ang dinulot ay kasiyahan at kaginhawaan.
Isa sa mga proyekto ay pagamutan
Upang ang may sakit ay malunasan
Pagdala sa bayan ay hindi na kailangan
At ang problema ay nabawasan.
Ang kasunod na proyekto ay paaralan
Na ito ay malaking tulong sa mga kabataan
Hinding-hindi na sila nahihirapan
Dahil mayroon na silang silid-aralan.
Saludo ang lahat na mga mamamayan
Sa ating mga kasundaluhan
Lalong-lalo na sa ating pamahalaan
Nang inilunsad ang “Kalayaan Barangays Program”
Ni: SSg Rosario E Martorillas (WAC) PA
AFP IPSP emphasizes that the primary focus of the AFP in the conduct of its operations is Winning the Peace and not just defeating the enemy. In order to win the peace, the AFP IPSP shall be anchored on two strategic approaches: The Whole of Nation Approach and the People-Centered Security/Human Security Approach.

AFP IPSP emphasizes that the primary focus of the AFP in the conduct of its operations is Winning the Peace and not just defeating the enemy
Bayanihan Official MTV was released in relation with the Armed Forces of the Philippines new Internal Peace and Security Plan "Bayanihan".